FDA NAGBABALA SA PUBLIKO LABAN SA APARATO NA GUMAGAWA NG ALKALINE MULA SA TAP WATER

water

NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na huwag basta papatol o magi­ging biktima ng mga vendor na nagbebenta ng water purifying device na nakapagpapalit ng tap water o bottled water para maging “alkaline” o “oxygenated” water.

Sa isang abiso kamakailan, sinabi ng FDA na ang mga pag-aangkin ng mga may-ari ng water purifying devices na ibi­nebenta ay makapagpapalit ng tap o tubig na galing sa gripo para gawing “alkaline” o “oxygenated” ay dapat may suporta ng “valid clinical trials.”

“Consumers are advised not to fall prey to these unscrupulous vendors and peddlers. Drinking alkaline, oxygenated or ionized water does not change the blood pH level,” ayon sa FDA.

Binigyang-diin ng ahensiya na ang pagbebenta ng purification devices na walang  Certificate of Product Registration (CPR) ay isang paglabag sa Republic Act No. 9711, na kilala sa tawag na  FDA Act of 2009.

“Vendo-type outlets or refilling stations, and those engaged in the manufacture, importation and distribution of water with thera-peutic claims shall secure a License to Operate [LTO] from FDA before applying for a CPR,” ayon sa nilalaman ng Republic Act.

Nagbabala rin ang FDA sa lahat ng kompanya na nasa negos­yo ng pagsu-supply ng inuming tubig tulad ng “alkaline water” o “oxygenated water” na kumuha ng LTO mula sa FDA at mag-apply para sa CPR.

Ang FDA Act of 2009 (RA 9711) ay nagbabawal ng pagbebenta, distribusyon, advertisement, at promotion sa ilan sa mga marketing at advertisement activities na hindi nakarehistrong health products.

“All local government units (LGUs) and Law Enforcement Agencies (LEAs) are requested to ensure that this kind of products are not sold or made available in localities or areas of jurisdiction,” ayon pa.

Hinimok din ng FDA ang publiko na i-check kung ang produkto ay nakarehistro sa ahensiya sa pamamagitan ng pag-log sa kanilang website at i-type ang pangalan ng produkto sa search bar.

3 thoughts on “FDA NAGBABALA SA PUBLIKO LABAN SA APARATO NA GUMAGAWA NG ALKALINE MULA SA TAP WATER”

  1. 12657 911257The next time I learn a weblog, I hope that it doesnt disappoint me as a lot as this 1. I mean, I do know it was my choice to read, however I truly thought youd have something attention-grabbing to say. All I hear can be a bunch of whining about something that you could fix for those that werent too busy in search of attention. 338667

Comments are closed.