FDA NAGBABALA SA SEXUAL ENHANCEMENT DRUG

Maximum Sexual King pills

PINAG-IINGAT ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga kalalakihan laban sa paggamit at pagbili ng mga hindi rehistradong sexual enhancement drugs bunsod ng posibilidad na makasama ito sa kanilang kalusugan.

Batay sa Advisory 2019-092-A, na inisyu noong Abril 3, partikular na tinukoy ng FDA ang produktong Maximum Sexual King pills.

Ayon sa FDA, walang Certificate of Product Registration (CPR) mula sa kanilang tanggapan ng produkto, kaya’t hindi ito maaaring ipagbili, alinsunod sa Republic Act No. 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009), na mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa, importasyon, pagbebenta at promosyon ng produkto ng walang awto­risasyon mula sa kanilang tanggapan.

Nagbabala ang FDA na hindi sila nakatitiyak sa kaligtasan at kalidad ng nasabing gamot dahil hindi ito dumaan sa kanilang pagsusuri.

Inatasan na rin naman ng FDA ang Bureau of Customs na pigilan ang pagpasok sa bansa ng natu­rang produkto.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.