FDA NAKAANTABAY KUNG AALISIN SA MERKADO ANG PORK MEAT

FDA-4

MAHIGPIT na nakikipag-ugnayan ang Food and Drug Administration (FDA) sa Department of Agriculture (DA) at iba pang kinauukulang ahensiya kaugnay ng usapin kung kinakailangang tanggalin sa merkado ang karneng baboy na magpopositibo sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay FDA Officer-in-Charge Usec Eric Domingo, mandato ng FDA ang tiyaking ligtas kainin ng mga tao ang lahat ng pagkain.

Pahayag ni Domingo, nakahanda silang ipatigil ang distribusyon ng mga karneng baboy kung ipag-uutos at sasabihin ng DA na may banta ang mga ito sa populasyon ng mga alagang baboy.

Sa ngayon, aniya ay wala pang natatanggap na official report ang FDA mula sa DA.

Comments are closed.