FDA PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO LABAN SA PEKENG CAPSINESIS CAPSICUM

CAPSINESIS CAPSICUM

PINAYUHAN ng pamunuan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko na maging maingat laban sa pagbili ng mga Cap-sinesis Capsicum annum dietary supplement capsule, matapos na matuklasang may mga tiwaling gumagawa ng pekeng produkto at ipinagbibili ito sa merkado.

Sa inisyung Advisory No. 2018-177, na pirmado ni FDA Director General Nela Charade Puno, pi­nayuhan ng ahensiya ang publiko na maging mai­ngat sa pagbili ng natu­rang produkto, matapos na maberipika nila, sa tulong ng Market Au-thorization Holder (MAH), Numan Food Supplement Corporation, na namamayagpag din sa publiko ang mga pekeng Capsinesis.

Ayon sa FDA, kung bibili ng Capsinesis ay dapat na tiyaking hindi peke ang kanilang produktong mabibili dahil sa posi-bilidad na makasama ito sa kanilang kalusugan, lalo na at hindi ito nasuri ng ahensya.

“The general public is hereby warned as to the availability of this counterfeit food supplement in the market which poses potential quality and safety issues as these have not gone through evaluation and testing process of the FDA,” bahagi ng advisory ng FDA.

Mas makabubuti rin umano kung sa mga lisensiyadong botika at tindahan lamang bibili ng Capsinesis.

“Likewise, all concerned establishments are hereby warned against selling of this verified counterfeit food supple-ment with the above-mentioned fea-tures. The importation, selling or offering for sale of such is in direct violation of Republic Act No. 9711, or the Food and Drug Administration Act of 2009, and Republic Act No. 10611, or the Food Safe-ty Act of 2013,” ayon pa sa FDA.

Hiniling din naman ng FDA sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyaking ang mga pekeng produkto ng Capsinesis ay hindi maipagbibili sa kanilang lokalidad o nasasakupan.

“For more information and inquiries, please e-mail us at [email protected]. To report continuous sale or distribution of the above unregistered food supplements, utilize our online reporting facility, eReport, at http://www.fda.gov.ph/ereport, or e-mail us via [email protected], or call us at the Center for Food Regulation and Research (CFRR) hotline (02) 857-1900 locals 8112 or 8115,” dagdag pa ng FDA. ANA ROSARIO HERNANDEZ

 

Comments are closed.