MAAARING mag-isyu ang Food and Drug Administration ng special permit para magamit ang pang bakuna kontra COVID-19 kahit pa walang kaukulang emergency use authorization.
Sa kanyang “Talk to the People” noong Lunes ng gabi ay tinanong ng Pangulong Rodrigo Duterte kung maaaring mag-isyu ang FDA ng emergency clearance upang magamit para sa pagbabakuna laban sa COVID-19 sa bansa.
Tugon ni FDA Director General Eric Domingo sa Pangulong Duterte, “ If it’s going to be a smaller group, for example, PSG, and of course, it’s really their priority to protect you, then we can give compassionate special permit for this.”
Ayon kay Domingo, sa sandaling mabigyan ng special pernit ng FDA ay maaari namang magbigay na ligtas na bakuna ang doktor.
May mga kumkuwestiyon sa administrasyong Duterte kaugnay sa pagpapabakuna ng mga miyembro ng Presidential Security Group ng Chinese COVID-19 vaccines sa kabila ng kawalan ng approval mula sa FDA.
“There’s a way…we understand the importance of what they have to do and there’s a safe way to do it if they want to do it,” sabi ni Domingo.
Ang liderato ng PSG ay umamin na ang ang mga security personnel ng Pangulo ay nagpabakuna ng Chinese vaccine sa kabila ng kawalan ng FDA approval sapagkat ang kanilang main concern ay ang kaligtasan ng Punong Ehekutibo.
Samantala, sa ginanap na press briefing kahapon ay itinanggi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may kinalaman si Pangulong Duterte sa special permitn na tinutukoy ng FDA para lamang mapagbigyan ang kinakaharap na kontrobersiya ng PSG.
Ayon kay Roque, nagtanong lamang ang Pangulo kung posibleng makakuha ng permit sapagkat hindi aniya lahat ng PSG personnel ay nabigyan ng bakuna.
“So, the President did not mean anything but if I were to be asked for an opinion by the PSG, I would seriously advice PSG to follow what Usec. Domingo has said, apply for a special permit in order for all the PSG members can be vaccinated,” giit ni Roque.
Nilinaw ni Roque na kaugnay sa imbestigasyon ng paggamit ng umano’y “smuggled” na bakuna ay pinauubayan na nila aniya ito sa mga kinauukuang ahensiya ng gobyerno kanila itong ipagpatuloy.
Samantala, binatikos ng Pangulo ang planong imbestigasyon ng ilang senador kaugnay sa paggamit ng hindi awtorisadong bakuna sa mga PSG personnel.
Ipinagtanggol ng Pangulo ang mga PSG personnel at sinabing ang kanilang ginawa ay para lamang sa “ self-preservation”.
Ayon pa rito, ang pangunahing responsibilidad ng PSG ay bigyang seguridad ang Pangulo at hindi ito magagampanan kung hindi naman mapoprotektahan ang kanilang mga sarili. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.