(FDA sa publiko) ‘WAG BUMILI SA UNREGISTERED SELLERS

PINAG-IINGAT ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa mga health product na ibinebenta kapwa sa online at physical stores.

Ayon sa FDA, ang ilang sellers ay maaaring nagbebenta ng peke o useless products.

“Tingnan din po ninyo kung ang binibili ninyong produkto ay lehitimo,” wika ni FDA spokesperson Pamela Sevilla.

“Talagang minsan ‘yung ating mga consumer ay makulit pero sila ang vital sa aming ahensya kaya iniingatan pa rin namin,” aniya.

May  29,000 registered drugs stores sa bansa, subalit walang eksaktong bilang ng illegal sellers ang FDA.

“We regulate the drugstores and the products but not the doctors themselves,” ani Sevilla.

Aniya, ang mahuhuling nagbebenta ng unregistered o counterfeit health, drug o cosmetic items ay maaaring pagmultahin ng P50,000 hanggang P500,000 o makulong ng mula 12 buwan hanggang 10 taon.