KUMILOS na rin ang FDCP para magbigay ng tulong sa mga entertainment press. May tatlong request lang ang kampo ng FDCP para sa mga manunulat sa showbiz.
Una ay may form sila ipadadala sa mga entertainment press na dapat i-fill-up ng press at ikalawa ay kailangan ng certificate o pagpapatunay ng mga editor na entertainment columnist nila ang nasabing writer o columnist.
Ang ikatlo ay kahit isang write up tungkol sa mga project o anumang issue ng FDCP.
Magmula nang maging Chairwoman si Liza Dino ng FDCP ay lagi itong nakahandang tumulong sa mga entertainment press sa abot ng kanyang makakaya sa suporta na rin ng kanyang “husband” na si Ice Seguerra.
Sa panahon kasi ngayon na hindi nakakalabas o walang napupuntahan okasyon o presscon ang mga entertainment press ay malaking tulong ang makatanggap sila ng relief goods sa mga makakabuting tao o artista na lagi rin nakasuporta sa showbiz press.
Nauna nang kumilos para magpaabot ng tulong sa mga entertainment press ang isang actor na noon pa man hanggang ngayon ay hindi nakalilimot magbigay ng tulong sa mga manunulat sa showbiz.
Kaya naman laking pasalamat ng showbiz press sa balak na tulong ng FDCP ni Chairwoman Liza Dino.
Nangako rin ang isang dating vice mayor at ngayon ay isa nang mayor sa grupo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) nang dumalo ito sa induction ng new officer ng club.
Malinaw na malinaw na sinabi nito sa harap ng grupo na siya ang magpapatuloy ng ginagampanan ng yumaong German Moreno sa club pero sad to say, ay tila pangako lang pala ang kanyang sinabi sa harap ng grupo.
Pero siguro ay tila sobrang busy pa rin ng mayor kaya tila nawala sa isip nito ang pangako sa grupo.
Kay FDCP Chairwoman Liza Dino, ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ang mga entertainment press sa tulong na ipaaabot ninyo.
Comments are closed.