TIWALA ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na makababawi ang inflows ng foreign direct investments (FDI) sa huling quarter ng taon.
“We are optimistic that foreign direct investment (FDI) inflows to the Philippines will strongly rebound in the final quarter of the year, despite the 14.5% contraction in FDI inflows reported by the BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) in August,” pahayag ni PEZA Director General Tereso Panga sa isang statement kahapon.
Sinabi ni Panga na sa pinakahuling datos ng PEZA ay tumaas ang bilang ng mga proyekto na suportado ng foreign equity kapwa mula sa mga bago at umiiral na ecozone investors.
Aniya, hanggang Oktubre ngayong taon, inaprubahan ng PEZA ang P91.8 billion na foreign equity mula sa ecozone locator at developer projects, tumaas ng 20.7 percent mula P76 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Panga, ang ecozone FDI ay bumubuo sa 74 percent ng kabuuang investment pledges ng PEZA para sa January-October 2024 period, tumaas mula sa 54 percent noong 2023.
“With the rapid setup time for ecozone manufacturing facilities, some of these projects are expected to begin construction and commercial production within the year,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Panga na ang newly enacted Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act ay makatutulong upang mapabilis pa ang FDI inflows at mapasigla ang paglago sa economic zones ng bansa.
“This momentum in ecozone FDI should contribute significantly to higher realized foreign investments, impacting the country’s balance of payments positively through current and financial account transactions from export-oriented ecozone companies.”
Kumpiyansa ang PEZA na ang P200-billion investment target para ngayong taon ay makakamit. ULAT MULA SA PNA