FDI INFLOWS BUMAWI, TUMAAS NG 42.4% NOONG MAYO

FDI

TUMAAS ang net inflows ng foreign direct investments (FDI) ng 42.4 percent sa $399 million noong Mayo mula sa $280 million sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ng BSP na ang positibong paglago ay kabaligtaran ng tatlong buwang pagbaba bunga ng mahinang global outlook at kumpiyansa ng mga investor dahil sa pandemya.

“The positive growth represents a reversal from the last three consecutive months of decline attributed largely to the weak global outlook and investors’ confidence following the pandemic,” sabi ng tcentral bank.

“The stronger FDI performance during the month relative to the level last year was on account of the increase in non-residents’ net investments in equity capital and debt instruments,” sabi ng  BSP.

Sa kabila na nakabawi noong Mayo, ang FDI net inflows ay mababa pa rin ng  25.6 percent sa unang limang buwan ng taon.

Comments are closed.