FE DEL MUNDO FOUNDER NG PHILIPPINE CHILDREN’S HOSPITAL

Si Fe del Mundo ang kauna-unahang babaeng tinanggap sa Harvard Medical School sa buong mundo, isang Filipina.

Nakatanggap siya ng  full scholarship mula mismo kay former Philippine President Manuel Luis Quezon matapos siyang mag-graduate sa University of the Philippines Manila. Mismong si Quezon ang nag-alok na babayaran niya ang further training ni Del Mundo sa kahit anong medical field na gusto niya sa kahit anong iskwelahan sa United States. Natapos si Del Mundo na valedictorian sa UP 1933.

Nagdesisyon siyang mag-aral sa Harvard Medical School in 1936, kahit noong panahong iyon ay hindi pa tinatanggap ng babae sa HMS, dahil mahina raw ang loob ng mga babae at mas ginagamit ang emosyon kesa utak.

Noong 1945 lamang opisyal na tumanggap ng babae ang HMS. Namangha kasi ang  Harvard na natanggap pala si Del Mundo sa kanilang all-male institution, ngunit hindi naman nila ito maalis dahil napakalakas ng kanyang credentials. Kahit nga sa tirahan, okay lang sa kanyang manatili sa men’s dorm dahil wala ngang dormitory para sa kababaihan.

Nang nakatapos, umuwi si Del Mundo sa Pilipinas at itinatag ang Fe del Mundo Medical Center, ang kauna-unahang children’s hospital sa Pilipinas. Later on, ito ay naging Philippine Children’s Hospital.

Si Del Mundo ang nag-revolutionize sa Philippine medicine, kung saan pinakalat niya ang immunization at treatment sa jaundice — sakit sa balat na dating walang gamot.

Nagbigay rin siya ng healthcare sa libo-libong mahihirap na pamilya.

Mas kinilala siya sa pag-imbento ng  incubator para sa mga sanggol na pre-mature, at jaundice relieving device.

Ani Del Mundo, “I told the Americans who wanted me to stay that I prefer to go home and help the children. I know that with my training for five years at Harvard and different medical institutions in America, I can do much.”

Mas pinili niyang umuwi sa Pilipinas para paglingkuran ang mga Filipino hanggang sa namatay siya sa edad na 99.

Kaye VN Martin