(Ni CS SALUD)
MARAMI sa atin ang natatakot na bumiyahe. Hindi nga naman lahat ay excited. May ilang nag-aalangan. Ang iba naman, takot na sumakay sa eroplano. Sa gulo nga naman ng mundo ngayon at sa raming napababalitang masamang nangyayari sa paligid, hindi talaga maiwasang mag-alangan tayo’t makaramdam ng takot.
Kaya naman, sa mga takot na bumiyahe o sumakay sa eroplano, narito ang ilang simpleng tips kung paano ninyo malalampasan ang naturang sit-wasyon:
PLANUHIN ANG PAGLALAKBAY AT IHANDA ANG SARILI
Unang-una sa tips na nais naming bigyang pansin ay ang pagpaplano. Okay, lahat naman tayo ay gumagawa ng plano—hindi lamang sa gagawing pagta-travel kundi maging sa lahat ng bagay. Kung nakaplano nga naman, nagiging maganda ang resulta at nagiging maayos ang lahat.
Planuhin ang gagawing paglalakbay at ihanda ang sarili sa maaaring mangyari. Ilan sa puwedeng mangyari ay ang pagka-delay ng flight.
MAGBITBIT NG BAGAY NA MAKAPAGPAPAKALMA
Isa rin sa mainam bitbitin sa pagsakay sa eroplano nang kumalma ay ang mga bagay na mahalaga sa iyo. Halimbawa riyan ang litrato ng buong pamilya. Puwede rin naman ang paborito mong blanket o scarf.
Kumbaga, ano mang bagay na makapagdudulot sa iyo ng katiwasayan ng loob ay maaari mong dalhin upang kumalma ka’t malampasan mo ang ta-kot na nadarama.
IPAALAM SA FLIGHT ATTENDANT
Sa mga takot ding sumakay sa eroplano, mainam din kung ipaaalam mo sa flight attendant ang nadarama. Kailangan din kasing nasasabihan o may kaalaman ang flight attendant sa sitwasyong pinagdaraanan mo nang makapag-isip sila ng mainam na solusyon. At higit sa lahat, upang matingnan-tingnan ka sa mga panahong bumibiyahe kayo.
MAG-DOWNLOAD NG APPS NA NAKAPAGPAPAKALMA
Maaari rin naman ang pagda-download ng mga application na nakatutulong upang kumalma ang kabuuan.
Maraming application ngayon ang ginawa o nadiskubre na nakatutulong upang mapakalma ang isipan ng isang tao habang nagta-travel o sakay ng eroplano.
Puwede itong subukan nang may magamit o mapaglibangan habang bumibiyahe.
IPAHINGA ANG SARILI
Importante rin siyempre ang pagpapahingang mabuti bago ang pagta-travel nang maibsan ang nadaramang takot at malampasan ito. Ang kakulan-gan ng pahinga ay nagiging sanhi ng anxiety. Kaya’t bago ang gagawing pagbiyahe, siguraduhing nakapagpahingang mabuti.
MAGDALA NG SNACKS AT TUBIG
Huwag ding kalilimutan ang pagdadala ng masustansiyang merienda o snacks at inumin.
Kapag busog din at hydrated ang katawan, naiiwasan nito ang anxiety at nagiging matiwasay ang gagawing pagbiyahe.
Isa naman sa dapat na iwasan ang pag-inom ng kape o iba pang caffeine products dahil makapagpapa-trigger ito ng anxiety o takot.
MAKINIG NG NAKAPAGPAPAKALMANG MUSIKA
Mainam din ang pakikinig ng mga musikang nakapagpapakalma. Sa pamamagitan ng pakikinig ng musika ay matutulungan kang ma-distract sa in-gay sa paligid o sa biyahe.
Makatutulong din ang pagbabasa ng mga kinahihiligang libro nang mawala sa isip ang kinaroroonang lugar o maging kampante ka habang bumibi-yahe.
IWASAN ANG PAGBIYAHENG MAG-ISA
Kung takot ding bumiyahe, mainam din ang pagdadala ng travel buddy o makakasama. Ipaalam din ang iyong nadarama sa kasama nang magabayan ka at maging handa siya sa maaaring mangyari.
MAG-ISIP NG MAGANDA AT POSITIBONG BAGAY
Importante rin ang pag-iisip ng magaganda at positibong bagay upang maiwasan ang anxiety habang bumibiyahe. Halimbawa ay ang mga ga-gawing activity sa pupuntahang lugar. O kaya naman ang gandang masisilayan pagdating sa patutunguhan.
Iba-iba ang bawat isa sa atin. May ilang gustong-gusto ang mag-travel. Samantalang ang ilan naman, tila laging may nakadagang takot sa dibdib sa tuwing sasakay ng eroplano.
Gayunpaman, sa mga natatakot, dapat ay matuto tayong labanan ito. Walang ibang makatutulong sa atin kundi ang ating mga sarili. Kumbaga, lakasan natin ang ating loob. (photos mula sa turnpoint.aero, money.com at time.com)
Comments are closed.