SIMULAN na ang proseso ng pag-shift mula sa presidential form of government patungo sa federalismo na may anyong parliamentary form of government. Mula dito ay maaari nang tahakin ng bansa ang pagpapalakas sa bawat rehiyon at bawat lalawigan.
Sa ngayon kasi ay nasa ilalim tayo ng unitary form of government kung saan lahat ng kapangyarihan at pananalapi ay nakasentro sa pambansang pamahalaan. Kaya mabagal ang pag-usad dahil lahat ng pangangailangan ay kinakailangan pang idulog sa pambansang pamahalaan, samantalang ang bawat lalawigan at rehiyon ay may kanya-kanyang pangangailangan na may kakaibang angking karakter.
Matatapos na rin ‘yang suliranin ng bansa ukol sa mga terorista katulad ng NPA at Abu Sayyaf dahil mismong mga federal state na ang mag-a-address sa mga ‘yan. Ang mga sandatahang grupo katulad ng MILF at MNLF ay maaaring maging kasali na sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, kung kaya wala nang hindi masasakop ng batas na mga grupong armado.
Ang bawat federal state ay magkakaroon ng sariling mga sangay ng pamahalaan na tutugon sa pangangailangan ng mga komunidad na nasasakupan nito.
Ang siste sa federal form of government, ang mga pondo ay hahatiin na mas malaki ang napapapunta sa federal state at ilang porsiyento o mas maliit lamang ang maire-remit sa national federal government.
Malaya ring makakapagpasa ng batas ang bawat federal state na angkop sa kanilang pangangailangan. May karakter ang bawat lalawigan at ang bawat rehiyon na hindi natutugunan sa ilalim ng unitary form of government kaya ito na ang pambihirang pagkakataon na magkaroon ng isang tunay na pagbabago sa Filipinas.
Sa pamamagitan ng federalismo ay mawawala na ang mga terorista dahil mapalalakas na ang bawat lalawigan sa ilalim ng federal state. Kung walang mahirap na nakalilimutan na ng lipunan, walang terorista dahil terorismo ang armas ng mahihina sa isang lipunan. Kung walang mahina sa lipunan, wala na ring mag-iisip ng terorismo.
Comments are closed.