FEDERALISMO ang kinakailangan ng bansa upang umunlad na ang bawat mamamayan.
Sa Federalismo ay palalakasin ang mga lalawigan sa ilalim ng Federated Region, kung saan ay makatatanggap ang bawat Federated Region ng 50% at higit pa sa mga buwis na makakalap.
Samakatuwid ay lalakas ang bawat Federated Region, magkakaroon ng mas maigting na mga development, dahilan para hindi na monopoly ng Metro Manila ang economic activities.
Sa ilalim din ng Federalismo ay mawawala na ang political dynasty sa dahilang ipinagbabawal na ito. Halimbawang nakaupo na ang isang kaanak ay hindi na puwedeng may uupo pa para sa ibang posisyon at hindi rin puwedeng may tatakbo sa parehong posisyon na kaanak matapos ang term. Kinakailangang maghintay pa ng isang term o ipagpaliban ang pagtakbo dahil papayagan lamang na makatakbo para sa parehong posisyon matapos ang isang gap na term.
Pinalalakas din ng Federalismo ang mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan dahil nakadirekta na ang mga ito sa ilalim ng bawat Federated Region. Magkakaroon din ang bawat Federated Region ng sariling pamahalaan na may ehekutibo, lehislatura at hudikatura.
Makalilikha na rin ng mga batas na direktang magbebenepisyo ang mga constituent ng bawat Federated Region dahil sa hahalal na ng Regional Assembly kung saan bawat lalawigan, siyudad, chartered city at partido politikal na sectoral ay magkakaroon ng representasyon.
Mabubuwag din ang monopoly o ang paghahari ng oligarkiya dahil magkakaroon na ng Federal Compitetive Commission na nakatutok sa malusog na kompetisyon sa pagnenegosyo sa bawat Federated Region.
Maaalalayan din ang mga Federated Region na hindi kalakihan ang kita, dahil may pondo sa ilalim ng Federal Government na nakalaan upang ma-augment ang kakulangan sa pondo.
Ang layunin talaga sa ilalim ng Federalismo ay bukod sa mabuwag ang unitary system ay pasiglahin ang ekonomiya sa bawat lalawigan nang sa gayon ay kalaunan, hindi na kinakailangan ng ating mga kababayan na magpaalipin pa sa ibayong dagat para magkatrabaho lamang.
Halina at sama-sama nating yakapin ang Federalismo at humakbang patungo sa masaganang kinabukasan.
Comments are closed.