LONDON – Umabante si top seed at defending champion Roger Federer sa Wimbledon last 16 matapos ang 6-3, 7-5, 6-2 pagdispatsa kay German Jan-Lennard Struff noong Biyernes.
Magaan na nagwagi si Federer, nagtatangka sa record ninth Wimbledon title, sa first set bago binigyan ng magandang laban ni big-serving Struff sa second.
Subalit, kinuha ito ni Federer sa pamamagitan ng superb service game na kinabilangan ng isang volley sa pagtatapos ng mahabang rally, na sinundan ng isang winning drive down the line.
“Against big servers who go for a lot it’s always difficult to find rhythm and be sure that you are in driver’s seat until the match is over,” wika ni Federer matapos ang kanyang ika-175 grasscourt win.
Susunod na makakasagupa ni Federer si French 22nd seed Adrian Mannarino.
“In the next round it will be a lefty. It will be much more of a strategic match, I believe, the way Mannarino plays,” ani Federer.
Samantala, nalusutan ni seven-times champion Serena Williams ang matamlay na simula upang maitakas ang 7-5 7-6(1) panalo laban kay Kristina Mladenovic ng France at umusad sa ‘Final 16’.
Comments are closed.