FEDERER SIBAK SA US OPEN

Roger Federer

NEW YORK –  Sibak na si Roger Federer sa US Open makaraang masilat ang five-times champion ni unseeded Austral-ian John Millman,  3-6, 7-5, 7-6(7), 7-6(3),  sa round of 16.

Si Millman, ranked 55th sa mundo, ay nadominahan ni Federer sa first set subalit bumawi ito sa second at naging matatag upang kunin ang panalo sa loob ng tatlong oras at 34 minuto.

Sinabi ng Australian na naging malamig siya sa first set subalit nagawang makontrol ang laro nang sumandal sa kanyang fighting qualities.

“Felt like a deer in the headlights to begin with, to be honest,” aniya.

“I’ve got to control the controllable and the one thing I can control is the fight in me. I’ve always brought the fight up.”

Ang second seed na si Federer,  hindi pa natatalo sa set sa kanyang unang tatlong laro sa New York, ay nagtala ng 77 unforced errors at 10 double faults at nakapagpasok lamang ng 49 percent sa kanyang first serves.

Sinabi ni Millman na hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang panalo.

“I’m probably in a little bit of disbelief. I have so much respect for Roger and everything he’s done for the game,” dagdag pa niya. “He’s a hero of mine. Today he was not at his best but I’ll take it.”

Makakasagupa ng Australian sa quarterfinals si sixth seed Novak Djokovic.

Comments are closed.