RIZAL – TINITIYAK ng pamunuan ng Cainta, Rizal na walang magugutom na mga residente sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Cainta Mayor Kit Nieto, nagsimula noong Huwebes, Enero 30, ay naglatag sila ng kaldero sa kahabaan ng Westbank Floodway Cainta, Rizal.
Paliwanag ng alkalde, ang naturang hakbang ay para aniya sa isang libong katao na kanilang papakainin para sa lahat ng gustong pumila kung saan ay first come first serve ang kanilang gagawin upang hindi magkagulo.
Dagdag pa ni Mayor Nieto, wala umano silang dapat na dalhin kundi ang kanilang kutsara, tinidor at plato at baso para mabawasan na rin ang mga gastusin.
Giit ng alkalde hahainan sila ng 2 ulam at isang tasang kanin at inumin kung saan gagawin nila ito araw-araw wala aniyang paltos dahil obligasyon umano ng gobyerno na siguruhing walang magugutom sa kanyang nasasakupan.
Partikular sa kanyang libreng hapunan ay ang mga bata at mga senior citizen. ELMA MORALES
Comments are closed.