FEEDING PROGRAM SA BATANG MAG-AARAL MATUTUTUKAN NA

Senadora Grace Poe-5

TINIYAK ni Senadora Grace Poe matututukan ang isinusulong na feeding program para sa mga batang mag-aaral sa sandaling maaprubahan na ang 2021 national budget.

Ani Poe, dahil na rin ito sa inilaang P5.97 bilyong pondo para sa nasabing programa sa ilalim ng Department of Education (DepEd) na siyang tinatalakay ngayon ng Kongreso para sa 2021budget.

“In the midst of the pandemic, no child should worry about when his next meal will be,”giit ni Poe na nanguna sa pagpasa sa Republic Act 11037 o ang  “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act,” layong labanan ang kagutuman at malnutrisyon sa mga kabataan.

Kasabay nito, pinaboran ng senadora ang ginawang modification sa implementasyon ng school feeding law makaraang ipagbawal ang face-to-face learning dulot ng COVID-19 pandemic, imbes na hot meals ang ipamamahagi ay pinalitan na lamang ng nutritious food products ng DepEd na idedeliber sa mga bahay- bahay o kaya’y kukunin ng mga magulang sa mga eskuwelahan.

“Good nutrition is unquestionably linked to a child’s growth and development. Nutritional intervention at a very early stage will give our children greater fighting chance to survive life-threatening diseases and enhance their physical, intellectual, social, emotional and moral development,” giit ni Poe.

Binigyang diin pa nito, ang benepisyaryo ng nasabing feeding program ay ang lahat ng kindergarten at grade 1 hanggang grade 6.

Base sa ulat ng World Bank’s Human Capital Index (HCI) ngayong 2020, bumaba ang record ng Filipinas ng 0.52 mula sa 0.55 noong 2018 na kung saan ang nabigo ang pamahalaan na maisalba ang mga kabataan na sinasabing pag-asa ng bayan.

“The way we feed our children today will dictate the nation we have tomorrow,” dagdag pa ng senadora.

Kaya’t sa isinasagawang budget deliberation, binigyang diin ni Poe na  napapahahon ang school feeding program na siyang panangga upang mapabuti ang HCI ng bansa.

“We cannot change our ranking overnight but consistent implementation of our feeding program makes great strides toward eliminating threats to our children’s health,” diin nito. VICKY CERVALES

 

 

 

Comments are closed.