NATUWA ang entertainment press sa trailer ng Feelennial (Feeling Millennial) movie na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani. Romantic comedy ito tungkol sa middle-aged people na tila hopeless na makahanap ng mag-mamahal sa kanila. At upang mahanap ang happiness, naisip nilang i-adopt ang lifestyle ng kasalukung henerasyon, ang millennials.
Kaya naman relate ang lahat mula bata hanggang matanda dahil ito talaga ang nangyayari sa ngayon: feeling millennial ang lahat. First time na magtatambal ang dalawa at sinamahan sila ng group of millennials na lahat ay ‘recruits’ ni Direk Rechie del Carmen.
“Sila naman kasi ang palagi kong kasama sa mga projects ko may bayad man o wala, kaya bakit pa ako hahanap ng iba,” paliwanag ng first-time movie director na na beterana sa maraming projects sa telebisyon.
In short, “family affair” ang Feelennial dahil kasama rin sa cast ang anak ni Ai-Ai na si Sofia. Joint venture ng Cignal TV at ng DSL Productions ni Pops Fernandez, na first time rin sa movie production.
Ang DSL ang producer ng lahat ng concerts ni Pops noong kanyang kabataan. Owned by her own mother, minarapat ni Pops na ito na rin ang gamitin bilang pagbibigay halaga and continuing the legacy of her mom, Dulce. May cameo role si Pops sa pelikula, pati na rin ang dating asawa na si Martin Nievera, as himself. At dahil nga family affair, ang anak ni Pops na si Ram ang nag-areglo ng musika para sa theme song ng Feelinnial, samantalang may animation naman si Robin na makikita rin sa pelikula.
May plano ba si Pops na gumawa uli ng movie na siya naman ang bida? “Hindi naman sa ayaw ko na sa acting. Sa ngayon as producer muna ako along with my friends and investor. Siguro in the future, if we get to have a script na hindi ko bibitawan at ako mismo ang gagawa, why not?”
Alam nila Ai-Ai at Bayani ang hirap ng pagiging movie producer, kaya naman all out support sila kay Pops. “Sana panoorin po ninyo ang aming pelikula dahil talagang matutuwa kayo at sulit naman ang inyong ibabayad sa sinehan,” ayon sa bagong romcom partner.
Umapela pa si Bayani na tangkilikin ang pelikulang Filipino na gaya ng ginagawa ng Japanese citizen sa Japan kung saan ang blockbuster movies ay pawang Japan-made.
Echoing the sentiments of Director Joel Lamangan during the 35th PMPC Star Awards for Movies, ani Bayani:
“Unahin po natin ang mga pelikula na sarili nating gawa. Sabi nga po ni Direk Joel, kung mamamatay ang pelikulang Filipino, sino pa ang magkukuwento ng kultura at ng kuwentong buhay ng mga Filipino?
“Unahin po natin ang pelikula natin, kinikilabutan ako. Simulan po natin ang pagsuporta sa June 19.
The millennials playing support to Ai-Ai and Bayani are Nar Cabico, Ina Feleo, Sofia delas Alas, Skelly Skelly, Nicole Donesa, Jelai Andres, Micah Muñoz, Avic Tan, and Raffy Roque with special participation from Paolo Ballesteros, aside from Pops and Martin,
Get the feel of the millennials as Feelennial opens on June 19 at movie houses near you.
Comments are closed.