ISANG abogado at edukador si Felipe Calderon na may mahalagang papel na ginampanan sa kasaysayan ng bansa. Siya ang sumulat ng Konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas na tinatawag ding Konstitusyon ng Malolos.
Isinilang siya sa Santa Cruz de Malabon (Tanza, Cavite) noong 4 Abril 1868, na ikalawa sa anim na anak nina Jose Calderon at Manuela Roca, isang mestisang Kastila-Filipina na taga-Santa Ana, Maynila.
Duktor ang pinakamatanda niyang kapatid ay si Fernando Calderon na naging Direktor ng Philippine General Hospital at Dekano ng College of Medicine ng UP Manila.
Mahirap lamang sila pero nakapag-aral siya at nakatapos ng Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila dahil sa scholarship na ibinigay ng mga Jesuits na libreng tuition fees, bahay at pagkain. Gusto sana ng kanyang inang maging pari siya pero mas gusto niyang maging abogado kaya pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas para kumuha ng abogasya.
Nagtrabaho siya sa iba’t ibang pahayagan subalit nang malaman niyang si Wenceslao Retana — isang anti-Filipino – ang kanyang magiging editor, agad siyang nagbitiw at nagturo para may pagkakitaan.
Humina ang kanyang katawan dahil kulang siya sa pagkain. Muntik pa siyang magkasakit ng tuberculosis na noong mga panahong iyon ay wala pang gamot.
Nakapunta siya sa Hong Kong, Singapore at India at nang magbalik sa Pilipinas, nanirahan siya sa Bauan, Batangas kung saan napangasawa niya si Josefa Amurao.
Noong 1893, tinanggap niya ang katibayan ng pagtatapos sa Licentiate Jurispundencia at naglingkod sa tanggapan ni Cayetano Arellano.
Muli siyang nag-aral sa UST ng mga kursong Pilosopiya, Literatura at mga likas na Agham (Chemistry, Mathematics at Physics) pero hindi siya nakapos dahil sumiklab ang World War I. Inaresto si Calderon at nakulong sa Fort Santiago pagkatapos ng Unang Sigaw sa Balintawak ngunit agad din siyang nakalaya.
Noong Mayo 1898, nabalitaan niyang nagbalik na si Emilio Aguinaldo sa Cavite mula sa Hong Kong. Naging delegado siya ng Palawan sa Kongreso sa Malolos na ginanap sa Barasoain Church. Sinulat ni Calderon ang draft ng Konstitusyon at isinumite sa Kongreso na agad pinagtibay dahil nakahihigit ito sa Constitutional Program of the Philippine Republic na ginawa ni Apolinario Mabini. Dahil dito, tinawag siyang Ama ng Malolos Constitution. Pinagtibay ito noong 21 Enero 1899.
Dahil sa maagang namatay ang kanyang asawa, muli siyang ikinasal sa isang maganda at batang-batang istudyante niya sa Escuela Derecho. Nagkaroon siya ng dalawang anak na babae – sina Concepcion at Cruzing. Hanggang namatay siya sa St. Paul Hospital, Maynila noong 6 Hulyo 1908 sa gulang na 40 lamang. – SHANIA KATRINA MARTIN