Felizia Jewelry

Bagong ina ang aktres na si Elisse Joson at bago rin sa oagnenegosyo. Siya at ang kanyang partner na si McCoy de Leon ang nagdesisyong itayo ang Felizia Jewelry, na ang naging inspirasyon ay ang kanilang kasisilang na anak na babae.

Kaya kung naghahanap kayo ng investment accessories, Felizia ang nababagay sa inyo.

Kamakailan, inilunsad ni Elisse ang Felizia Jewelry, ang kanyang jewelry collection – kasama ang boyfriend na si McCoy. Mahilig talaga si Elisse sa magagandang accessories, kaya dapat lang sigurong gumawa siya ng sarili niyang brand.

Ayon sa dalawa, ang kanilang first collection “speaks a story that expresses hope, love, and everything in between.”

Ani McCoy, persobal nilang punily ang mga ito para maging bahagi ng pang-araw-araw na buhay, ngunit pwede rin sa mga espesyal na okasyon.

Kung mahilig kato sa minimalist accessories, marami kayong magugustuhan sa Felizia Jewelry’s catalog. Lahat sila ay may totoong 18k gold at natural diamonds, kaya pwedeng maging investment. SKM