FENCING PREP SA SEAG TAMPOK SA PSA FORUM

ph fencing

TATALAKAYIN nina fencing team head coach Rolando ‘Amat’ Canlas at rising star Sam Catantan ang paghahandang isinasagawa ng Philippine Fencing Association para sa nalalapit na 31st Southeast Asian Games sa Vietnam sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition ngayong araw.

Kadarating lamang ni Canlas mula sa Tashkent, Uzbekistan kasama ang mga miyembro ng national squad kung saan muntik na silang makasungkit ng puwesto sa Tokyo Olympics kasunod ng bronze medal finish ni Catantan sa women’s foil event ng Asia-Oceania Qualification Tournament.

Ngayong tapos na ang qualifiers, itutuon na ng mga Filipino fencer ang kanilang atensiyon sa SEA Games (Nov. 21–Dec. 2) kung saan nagwagi sila ng dalawang gold medals nang idaos ito sa bansa, dalawang taon na ang nakalilipas.

Si Catantan, miyembro ng Penn State University fencing team, ay dadalo sa session na itinataguyod ng San Miguel Corporation, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), direkta mula sa Pennsylvania kung saan siya naka-base.

Ang public sports program na magsisimula sa alas-10:00 ng umaga ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation atisini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

6 thoughts on “FENCING PREP SA SEAG TAMPOK SA PSA FORUM”

  1. 643063 334997Nicely picked details, several thanks towards the author. It is incomprehensive in my experience at present, nevertheless in common, the convenience and importance is mind-boggling. Regards and all of the greatest .. 571585

  2. 26916 413664My brother suggested I would possibly like this weblog. He was once entirely appropriate. This submit truly created my day. You cant believe just how so significantly time I had spent for this information! Thank you! 991326

Comments are closed.