FERNANDEZ PSC OIC

Ramon Fernandez

PANSAMANTALANG pamumunuan ni Commissioner Ramon Fernandez ang Philippine Sports Commission (PSC).

Ang four-time PBA MVP ay inaasahang itatalagang officer-in-charge ng  government sports agency ng Malacañang kapalit ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ayon kay Fernandez, si Ramirez ay naghain ng  leave of absence para maalagaan ang kanyang may sakit na maybahay na sumailalim sa gall bladder surgery sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City.

“The surgery went well and the Ramirezes returned to their quarters at the PhilSports Complex last Saturday,” wika ni

Fernandez. “We pray for the swift recovery of chairman Butch’s wife and wish them well.”

Naka-base sa Cebu City, sinabi ni Fernandez na umaasa siyang makakuha ng plane ticket pabalik sa Manila sa susunod na linggo.

“We hope to get our formal appointment papers from Malacañang by then,” aniya.

Ang PSC ay isang ahensiya na direktang nasa ilalim ng Office of the President.

“When I get back there, I will be under 14-day quarantine and confined to my quarters in isolation (at the PhilSports complex in Pasig),” sabi pa ni Fernandez. “But this won’t be a problem because we have an office at Philsports and I can conduct my functions from there.”

Si Fernandez ay nakatakdang makipagpulong sa mga kapwa niya commissioners na sina Celia Kiram, Charles Maxey at Engr. Arnold Agustin upang pag-usapan ang mahahalagang bagay at kung anong paperwork ang kailangang gawin habang wala ang chairman.

Kabilang, aniya, rito ang posibilidad na payagan ang ilang Olympic hopefuls sa combat sports na magpatuloy sa training sa  PhilSports Complex makaraang ihayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino na igigiit niya ang pagpapatuloy ng kanilang actual training, kasama ang sparring.

Ilan sa binanggit ni Tolentino ay ang mga atleta sa boxing, fencing, karate at taekwondo, na naghahangad pa ring magkuwalipika sa 2021 Tokyo Olympics. CLYDE MARIANO

Comments are closed.