SIMULA sa Lunes (Septyembre 28) operational na ang Hulo Ferry Station sa Mandaluyong at Sta. Ana Ferry Station sa Maynila.
Layon nito, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mapagsilbihan ang mga mananakay sa dalawang ferry stations.
Gayundin, bukas na rin ang mga sumusunod na ferry stations sa Pinagbuhatan at San Joaquin sa Pasig City; Guadalupe at Valenzuela sa Makati City; Lawton at Escolta sa Maynila.
Subalit, limitado para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang serbisyo ng Pasig River Ferry Service ngayong umiiral pa rin ang general community quarantine sa (GCQ) sa Metro Manila.
Inihayag din ng MMDA na tuloy ang pagbibigay ng libreng sakay mula Lunes hanggang Sabado, simula ala-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.
Kailangan sundin ang pagpapatupad ng mga health at safety protocols laban sa COVID-19 tulad ng no mask at no face shield, no entry, physical distancing at sasailalim din sa body temperature check ang mga sasakay.
Magbabawas din ng seating capacity ang ferry na kung saan ang mga pasaherong nasa edad 21-59 lamang ang pasasakayin bago mapunan ang manifest form at commuter information sheet. LIZA SORIANO
Comments are closed.