FERRY SYSTEM TUTUTUKAN NG MMDA

MMDA spokesperson  Celine Pialago

MAKATI CITY – INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na isa sa kanilang prayoridad ang pag-sasaayos ng ferry system sa Pasig River upang mapabuti ang public mobility.

Ayon sa pahayag ni MMDA spokesperson, Celinne Pialago, na hindi kailanman nawala sa plano at prayoridad ng MMDA ang pagpapaayos at pagpapaganda ng Pasig River Ferry System.

Pahayag pa ni Pia­lago na karamihan sa mga passenger boats ay may mga problema o ‘di kaya naman ay sira ang kanilang mga propeller.

“Kapag operational lahat ang passenger boats natin, 500 na pasahero ang nake-cater nito everyday,” dagdag pa ni Pialago.

Iminungkahi kamakailan ni Senator Sonny Angara na isa sa solusyon upang maibsan ang lumalalang problema sa transport ay ang paggamit ng Pasig River Ferry System.

Ayon kay Angara ang ferry line ay kayang magsakay ng mga pasaherong mula Pasig papuntang Mandaluyong, Makati at Maynila.

Pahayag pa ni Angara na ang ferry system ay isang alternatibong paraan upang maibsan ang problema sa transportas­yon na nagdudulot ng matinding traffic habang naghihintay sa isang “big-ticket infrastructure project” kagaya ng skyway extension, MRT at LRT at ang pagsasaayos ng Philippine National Railways. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.