FEU UAAP CHEERDANCE CHAMP

BUMANAT ang Far Eastern University Cheering Squad ng near-flawless Bohemian Rhaposody-inspired run upang pagharian ang UAAP cheerdance competition sa harap ng 12,522 fans kagabi sa Mall of Asia Arena.

Sa kanilang perfectly executed pyramids sa three-minute run, sa wakas ay tinapos ng FEU ang 13-year title drought sa toned done competition na nilaro sa ilalim ng mahigpit na  health and safety protocols.

“Praise God for this victory. It feels good, ilang taon na kaming runner-up,” wika ni FEU coach Randel San Gregorio.

“Finally nakaisa kami. We are just happy we got finally over the hump.”

Nasikwat ng Adamson Pep Squad, na huling nagwagi noong 2017,  ang ikalawang puwesto sa ipinamalas na malinis na routine sa kanilang Wild Wild West-inspired performance, lalo na sa pyramids.

Kahanga-hanga ang 90s themed routine ng National University Pep Squad ngunit hindi ito sapat upang magwakas ang two-season reign ng Bustillos-based squad sa pagtatapos sa ikatlong puwesto.

Sa pagwawagi ng kanyang unang championship buhat nang simulang hawakan ang FEU noong 2015, walang masabi si San Gregorio makaraang tanggapin ang tropeo.

“Medyo lutang ako doon eh. Wala ka nang mahihiling pa,” ani San Gregorio, na ang koponan ay may tatlong runner-up finishes bago ang panalo. “We are just so happy. Everything went well. Definitely, this is the sweetest.”