MAGLALAGAY ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ng anti-kidnapping hotlines kaugnay sa talamak na kidnapping cases na kinasasangkutan ng mga Chinese national.
Ito ang inihayag ni FFCCCII President Dr. Henry Lim Bon Liong sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs bilang tulong ng chinese communities.
“After receiving those reports, we have conducted consultations with different groups of the Filipino Chinese community and relevant stakeholders, including our local government units and law enforcement officers, to verify the veracity of these reports,” ani Liong.
Paliwanag ni Liong, ito ang dahilan kaya nagpasya ang kanilang hanay na mag-set up ng hotline kung saan ang mga miyembro ng community ay maaaring humiling ng tulong o mag report ng anumang crime incident na kanilang nasaksihan.
Aniya, malaking bagay umano ang paglalagay ng anti kidnapping hotlines dahil marami sa mga Chinese national lalo na yung mga nagtatrabaho sa mga POGO ay takot na ma-deport.
Kaya nagpapasalamat ang 170 chambers and business organizations na nasa ilalim ng FFCCCII sa pag-imbita sa pagdinig ng senado hinggil sa kidnapping incidents at iba pang krimen SA komite na pinamumuan ni Senador Ronald Bato dela Rosa.
Kasabay nito, hiniling ng FFCCCII sa gobyerno na patuloy na pagandahin pa ang peace and order situation sa bansa para makaakit ng mas maraming turista at foreign investments. VERLIN RUIZ