FIBA 3X3: YEE PASOK SA MANILA CHOOKS

Mark Yee

ISA pang beterano ang isinama sa line-up ng Manila Chooks TM na sasabak sa  FIBA 3×3 Lipik Challenger sa Croatia sa Mayo 21-22.

Si Mark Yee ay inaasahang magbibigay ng dagdag lakas at karanasan sa koponan na kinabibilangan nina Chico Lanete, Mac Tallo, Dennis Santos, at Zach Huang.

“Mark Yee is a good addition to our pool since he stretches the floor and has been known to be a good defender in the post,” pahayag ni Manila Chooks TM head trainer Aldin Ayo.

Impresibo ang performance ni Yee sa matagumpay na kampanya ng Davao Occidental-Cocolife sa 2019-21 Chooks-to-Go MPBL Lakan Championship.

Sa Lipik, makakasama ng Manila Chooks TM sa qualifying draw ang Split ng Croatia; San Juan ng Puerto Rico; Bielefeld TSVE and Dusseldorf LFDY ng Germany; at ang magwawagi sa Quest tournament sa Russia. Hindi pa ipinahahayag ang groupings para sa QD pools.

Lalahok din sa level-10 tournament na may nakalaang premyo na US$35,000 ang Liman at Novi Sad ng Serbia;  NY Harlem ng USA; Ed-monton ng Canada;  Ulaanbaatar and Sansar ng Mongolia; Jelgava ng Latvia; Humpolec ng Czech Republic;  Antwerp ng Belgrade; at Aomi ng Japan.

Nagsimula nang mag-ensayo ang koponan nitong Mayo 13 sa Lucena Convention Center sa Quezon matapos aprubahan ng Games and Amusements Board (GAB) at Quezon’s local government unit.

“We would like to thank the Games and Amusements Board, headed by chairman Baham Mitra, for helping us find a training venue for our team. We are also grateful to Quezon Governor Danilo Suarez and provincial sports head Jonas Guiao for accomodating our team,” sabi ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas.

“GAB is always here to help our pro teams. We wish the team nothing but the best in their competition in Croatia,” pahayag naman ni GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Kasama rin sa bubble practice sina Jom Sollano, coaches McJour Luib at Marvin Pangilinan. at staff member Mark Ordoñez.

Ang koponan ay naghahabol na makakuha ng visa.

Dahil savkawalan ng Croatian embassy sa Manila, kinailangan ng Chooks management na dalhin ang mga dokumento sa Jakarta, Indonesia para maproseso.

Ang FIBA 3×3 deadline para sa team arrivals ay nakatakda sa Mayo 20.

6 thoughts on “FIBA 3X3: YEE PASOK SA MANILA CHOOKS”

  1. 695851 355653Most appropriate the human race messages function to show your and present exclusive chance with special couple. Beginer appear system in advance of raucous individuals will most likely always be aware most with the golden value off presentation, which is a persons truck. greatest man jokes 497461

  2. 672036 78791Aw, this was a actually nice post. In concept I would like to put in writing like this in addition – taking time and actual effort to make a quite very good article but what can I say I procrastinate alot and by no indicates seem to get something done. 263212

Comments are closed.