LALARO si Jericho Cruz ng NLEX Road Warriors para sa national team, subalit sa pagkakataong ito ay para sa Guam.
Si Cruz, isang dual citizen, ay pinayagan na ng kanyang PBA team na maglaro para sa Guam sa FIBA Asia Cup qualifying games sa June 16-20 sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.
Si Cruz ay naging bahagi ng Philippine national team na sumabak sa 2013 Naypyidaw Southeast Asian Games.
Sa Naypyidaw ay nakasama si Cruz sa Jong Uichico-mentored gold-medal winning Phl team na kinabibilangan nina Kevin Alas, Matthew Ganuelas, Ronald Pascual, Jake Pascual, Bobby Ray Parks, Mark Belo, Roi Sumang, Garvo Lanete, Kevin Ferrer, Kiefer Ravena at Marcus Douthit.
Suballt dahil ang SEA Games ay hindi isang FIBA event, pinayagan siya na maglaro para sa ibang national team.
May dalawang iba pang Pinoy na kinatawan ang foreign countries sa international basketball, sa katauhan nina Ebrahim Enguio Lopez at Bader Malabes na kapwa may dual citizenship.
Si Lopez, na naglaro para sa University of the East, ay naging bahagi ng Indonesian national 5×5 at 3×3 teams, habang si Malabes, dating taga-De La Salle University, ay kinatawan ang Bahrain sa FIBA Asia Cup. CLYDE MARIANO
366459 546202As I internet web site possessor I believe the content matter here is rattling fantastic , appreciate it for your efforts. You should maintain it up forever! Great Luck. 567030
806062 35797I agree with you. I wish I had your blogging style. 112757