HINDI na matutuloy ang final window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa Doha, Qatar ngayong Pebrero, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).
Sa isang statement, kinumpirna ng SBP na nakatanggap ito ng liham mula sa FIBA na nag-aabiso sa mga kinauukulang koponan na iniutos ng Ministry of Public Health ng Qatar ang pagkansela sa lahat ng events na iho-host doon dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.
“The SBP is saddened by the development especially because we know the kind of work that our Gilas Pilipinas Men’s pool has done in Calamba,” wika ni Al Panlilio, presidente ng SBP.
“Although we are saddened by the situation, we also understand the predicament faced by the Qatar Basketball Federation as they had no choice but to follow the mandate of their government,” dagdag pa niya.
Ayon sa SBP, masusing pag-aaralan ng FIBA ang posibleng alternatibo na pagdarausan ng mga laro sa hinaharap
Ang Gilas Pilipinas ay kasalukuyang nangunguna at may 3-0 record sa Group A at nangangailangan na lamang ng isang panalo para magkuwalipika sa FIBA Asia Cup.
Makakasagupa ng Gilas ang South Korea at Indonesia sa third at final window na magsisimula sana sa Pebrero 17.
Bukod sa Filipinas, South Korea at Thailand, apektado rin ng naturang kanselasyon ang China, Japan, Chinese Taipei at Malaysia sa Group B, at ang Iran, Syria, Saudi Arabia at Qatar sa Group E.
Comments are closed.