FIBA: GILAS WOMEN MINASAKER NG CHINA

HINDI nakaporma ang undersized Gilas Pilipinas Women team sa China sa opening game ng 2021 FIBA Women’s Asia Cup sa Amman, Jordan noong Lunes ng gabi.

Pinangunahan ni veteran Afril Bernardino ang matikas na pakikihamok ng mga Pinay sa kinamadang 17 points subalit hindi ito sapat para malasap ang 143-52 pagkatalo sa una sa kanilang tatlong laro sa preliminary round ng Group B, kung saan makakasagupa rin nila ang Australia at Chinese-Taipei.

Maganda ang ipinakita ng Filipina ballers sa first quarter kung saan nakadikit sila sa 22-15 sa likod ng  play nina Bernardino at Ria Nabalan. Tinapos nila ang period na naghahabol sa 35-17, matapoa ang late run ng China.

Nagbida naman si Janine Pontejos sa short stretch sa second period kung saan kumana ang 28-anyos ng limang sunod na puntos para sa Pilipinas, 41-22. Subalit bumanat ang world no. 7 ng 28-4 run bago ang tres ni Bernardino  sa pagtunog ng buzzer upang tapusin ng Chinese ang first half na abante sa 40, 69-29.

Bernardino again carried the load in the third, scoring five of Gilas’ nine overall output in the quarter as their deficit ballooned to 70 going into the final period, 108-38.

Nanguna si Yang Liwei para sa China na may 21 points,  5 assists at 5 steals, habang nag-ambag sina 6-foot-7 Li Yueru at 6-foot-9 Han Xu ng 18 at 17 points, ayon sa pagkakasunod.

Si Bernardino ang nag-iisang double-digit scorer para sa Gilas Women. Nagtala rin siya ng 7 rebounds, 2 assists, 2 steals, at 2 blocks. Nag-ambag si Pontejos ng 7 points.

Muling sasalang sa aksiyon ang nationals sa September 29 kontra world no 3. Australia.

Iskor:

China (143) – Yang L.W. 21, Li Y.R. 18, Han 17, Zhang 15, Li Y. 13, Li Y.F. 13, Yang H.Y. 11, Wang 10, Pan 9, Huang 9, Wu 7.

Philippines (52) – Bernardino 17, Pontejos 7, Fajardo 6, Prado 6, Nabalan 5, Castro 5, Clarin 3, Castillo 3, Cayabyab 0, Pingol 0, Cabinbin 0, Tongco 0.

QS: 35-17, 69-29, 108-38, 143-52

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *