HINDI pala dapat umalis ang coach na ito sa kanyang team na hawak kung ‘di lang sa salbaheng bading na pinagkatiwalaan niya noon na nagdala sa kanya kahit saan siya mapapuntang university. Sinisiraan ng badidang ang management na inakala nito na kagagawan ni coach.
Ito pa ang matindi, binigyan niya ng cellphone ang bading na ito. Hindi pa nasiyahan ang pinagkatiwalaan ni coach at kumuha pa ng extra phone ito. In short, hindi nagbabayad ng bill si bading na umabot ng P50K. Ang siste, dahil extension siya ni coach sa phone, ito ngayon ang kinalampag ng isang sikat na telco. Siyempre naman dahil sa ginawa ng bading na ito sa career ng ex-player ay ini-report nila ito sa pulisya. Ayun, walang nagawa ang bading kundi ang bayaran ang utang sa bill. Ano ba ‘yan, hindi na nahiya ang bading na ito kay coach at sa pamilya nito na itinuring pa naman siyang kapamilya tapos ay ahas pala. Kaya sabi ni coach sa akin, mag-ingat sa bading na ito dahil sa pagiging gold digger.
Mabait pa rin si coach kasi kahit malaki ang kasalanan na ginawa sa kanya ay hindi nito isinama ang bading sa pag-alis, bagkus ay naiwan pa sa school pero tinanggal na sa basketball at nasa ibang sports department ang hitad. Anyway, kay coach, good luck, sana makatagpo ka uli ng isang school o team na hahawakan mo.
Nakatakdang ilatag ni coach Yeng Guiao ang programa niya sa isang special meeting kasama ang PBA Board of Governors sa Martes sa susunod na linggo para maumpisahan na agad ang preparasyon ng Team Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Tayo ang host sa back-to-back games ng Nationals laban sa Kazakhstan sa Nob. 30 at Iran sa Dis. 3, na kapwa gagawin sa MOA Arena sa Pasay City. Posibleng sa meeting sa Martes ay banggitin ni coach Yeng ang 20 players na mapapasama sa pool. Pangungunahan ni Mr. Ricky Vargas ng TNT Katropa ang naturang meeting.
Magbibigay-daan ang PBA Governors’ Cup mula Nobyembre 17 hanggang Disyembre 4 para sa fifth window ng FIBA qualifiers. Bakasyon din ang PBA mula ngayon hanggang Biyernes dahil sa paggunita sa All Saints’ Day. Tatapusin ang elimination round sa double headers sa Sabado.
Samantala, tapos na ang FIBA suspension nina Andray Blatche, Jayson Castro, Terrence Romeo at Troy Rosario at inaasahang maisasama ni coach Yeng ang mga ito sa pool na karamihan ay mula sa team na isinabak ni Guiao kontra Iran at Qatar sa huling FIBA qualifiers window. Kasama rito sina Christian Standhardinger, Paul Lee, Alex Cabagnot, Gabe Norwood, Scottie Thompson, Poy Erram, Ian Sangalang, Marcio Lassiter, Raymond Almazan, Allein Maliksi, Beau Belga at Asi Taulava. Malamang ay pasok din sa pool sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter, at ang 7’1 na si Kai Sotto.
Greetings: Congratulations sa bagong kasal na sina Bro. Al John Ballon st Sis.Veronica Mendoza. Best wishes! From Aquino – Manuel family.
Comments are closed.