TATALAKAYIN ang major updates sa mga paghahanda ng bansa para sa co-hosting nito sa FIBA World Cup sa special Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes (June 13) sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Bibisita sa 10:30 a.m. session para talakayin ang local organization at iba pang kaugnay na bagay sina Deputy Event Director Erika Dy at Joint Management Committee head John Lucas.
Ang Pilipinas ang mangunguna sa pagdaraos ng World Cup na nakatakda sa August 25-Sept. 10, kung saan co-hosts nito ang Japan at Indonesia. Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan nito na ang event ay idaraos sa multiple nations.
Ang weekly sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini- share din ito sa kanilang official Facebook page.