FIBA WORLD CUP MULING IPAKIKILALA ANG PH SA BUONG MUNDO — DOT

BIBITBITIN ng Pilipinas ang ‘puso’ sa pag-host nito sa FIBA Basketball World Cup 2023 sa suporta ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Department of Tourism (DOT).

Bibigyan ng DOT ang fans ng dahilan para mahalin ang Pilipinas sa pagyakap sa world-class basketball na may world-class experiences sa 15 destinations sa pamamagitan ng travel packages na available mula Aug. 1 hanggang Sept. 30.

“We see the FIBA Basketball World Cup 2023 as an opportunity to, first and foremost, re-introduce the Philippines to the world on the strength of its natural assets, award-winning destinations, and cities on the rise,” wika ni DOT Secretary Christina Frasco sa official launch ng Philippine tour packages para sa international at local basketball fans sa DOT Office sa Makati City noong July 25.

“This is also the time for Filipinos to come together to support the Philippine team, as well as a chance for citizens of the world to remember their sense of nationhood,” dagdag pa niya.

Sa pagdala ng mga aksiyon sa Philippine Arena sa Bulacan, Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at SM Mall of Asia Arena sa Pasay, ang tourism experiences sa Bacolod, Batangas, Bohol, Boracay, Cavite, Cebu, Davao, Ilocos Norte and Sur, Iloilo, La Union, Manila, Palawan, Pampanga, at Tagaytay ay inaasahang magpapakita sa makulay at kahanga-hangang kultura ng mga Pilipino.

“We see these efforts are not only for love of sport, but we also see the value of their contribution to tourism,” wika ni DOT Undersecretary at organizing committee chair Elaine Bathan.

“This is aligned with the direction of DOT to introduce the Philippines as a sports hub and venue for many other sports and sporting events.”