UMARANGKADA na sa Pilipinas ang 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup kaya’t tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na protektado ang nasa 3,000 participants mula sa ibang bansa.
Habang ipinakalat na rin ng kanilang personnel sa mga venue kung saan gaganapin ang kompetisyon.
Gayundin, idineklara ni Pangulong Ferdinand ‘Bong bong’ Marcos Jr. na walang pasok ngayong araw sa government offices at mga paaralan sa Metro Manila upang bigyan-daan ang pagbubukas ng Fiba World Cup 2023 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Sinabi PNP Acting Deputy Chief for Operations, Lt. Gen. Michael John Dubria, bilang overall supervisor sa Fiba World Cup 2023 na nagpulong na sila ng Metropolitan Manila Development Authority, Department of Health, Bureau of Jail Management and Penology, Manila International Airport Authority at ng Local Organizing Committee ng FIBA Basketball World Cup 2023 para sa seguridad at matiwasay na event.
Magsisilbing guidelines ng PNP ang matra para sa nasabing event ang “safe and successful.”
Sa datos, kabuuang 2,904 personnel mula sa government agencies at force multipliers ang idedeploy ng pamahalaan.
Habang 2,589 personnel ang manggagaling sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at 363 officers mula sa Police Regional Office 3 (PRO-3).
“Our collective efforts ensure that FBWC 2023 not only showcases world-class basketball but also sets an example for seamless coordination in providing a secure environment for global events,” ayon kay Dubria.
EUNICE CELARIO