WALUMPUNG mangingisdang Navoteño ang nabiyayaan ng fiberglass na bangka at matibay na lambat.
Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Clint Geronimo at Cong. Toby Tiangco, kasama ang mga opisyal ng lungsod at si Pierre Velasco ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang pamimigay noong Lunes ng umaga.
Ang mga bangka, na may 18 Hp engine, ay ipinamigay nang libre sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ng NavoBangka-buhayan Program.
Pinaalalahanan din ng nakababatang Tiangco ang mga benepisyaryo na maging responsable sa pangingisda at tumulong sa pangangalaga at pagpreserba sa kalikasan.
Samantala, binati ni Cong. Toby Tiangco ang mga benepisyaryo at sinabi niyang hangad din ng pamahalaang lungsod na matulungan hindi lang sila kundi pati na ang mga Navoteño na nangangailangan ng hanapbuhay.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng NavoBangka-buhayan Program ang mga mahihirap na rehistradong mangingisda. Kailangan nilang sumailalim at pumasa sa drug test, at panatilihin ang “good moral standing” sa komunidad. VICK TANES