FIELD TESTS SA ONLINE VOTING SA U.S. ISINAGAWA

ISINAGAWA na ng Commission on Elections (Comelec) ang field tests sa iba’t-ibang lugar sa United States para sa postal, online at internet voting na unang ipakikilala sa May 2025 national and local elections.

Ayon sa Comelec, sila ay nagpapatupad ng security measures upang kontrahin ang mga posibleng hacking attempts.

Ipinaliwanag naman ni Commissioner Ernesto Ferdinand Maceda Jr. na ang mga lokal na eksperto at citizens arm tulad ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ang mangangasiwa sa local source code rereview.

Ang inisyal na aplikasyon para sa online voting ay P428 milyon bagama’t tinataya ng Comelec na gumagastos lamang ng P112 milyon.

Sa milyon-milyong registered Filipino voters sa ibang bansa, inaasahan ng Comelec na mahigit isang milyong botante lamang ang lalahok sa pamamagitan ng online voting.

Simula Abril 13, 2025, ang mga botante sa ibang bansa ay maaaring bumoto online gamit ang mga electronic devices tulad ng mga mobile phone at laptop hanggang sa mismong araw ng halalan sa Pilipinas.

Tutulungan ng Consul General sa New York na mailagay ang mga kiosk sa mga opisina ng consular upang mabawasan ang workload ng mga ito dahil sa online voting.

Magkakaroon  naman ng online voters education campaign ang konsulado at Comelec.

Ang isang mock election ay nakatakda sa Disyembre upang subukan ang online voting system.

RUBEN FUENTES