Jayzl Villafania Nebre
April 25, kapistahan ng San Antonio de Padua sa Santo Casamenteiro Parish, Barangay Kaylaway, Nasugbu, Batangas, at nangumbida si Lt. Cris Punzalan para dito. Maghahanda raw siya bilang parangal sa kanilang patron, na kinikilala sa buong mundo na hinihingan ng tulong upang maibalik ang mga nawala – tao man o bagay.
Bilang pari, simple lamang ang lifestyle ni San Antonio, at noon ngang tag-araw taong 1220 ay natanggap niya ang kanyang abito. Ang batang Jesus na karga niya ay ang batang nagpakita sa kanya sa Camposampiero. Ipinakikita rin nito ang kanyang puso para sa mga tao ni Cristo at ang pagmamahal mniya sa Diyos.
Malayo ang Barangay Kaylaway sa Poblacion ngunit hindi nakapagsisising dalawin ang bagong gawang simbahang ito na sumasakop sa anim na barangay sa Nasugbu kasama na ang Barangay Banilad na nakakasakop sa malaking bahagi ng Galo River, Brgy. Aga, Tumalim, Mataas na Pulo, Kayrilaw, at Kaylaway.
Kumpara sa ibang simbahan sa Batangas, bagong bago ito at binuksan lamang noong February 2, 2017. Dahil kulang pa, tinapos ang Parokya sa kasagsagan ng pandemya. Salamat sa mga donasyon ng mga tao at iba pang sponsors, natapos din ito. Sunud-sunod na kasalan ang ginanap dito, at hindi naman nakakapagsisi dahil napakaganda ng lugar.
Sa pagbabalik sa fiesta celebration ni Cris Punzalan, tipikal na pista ang kanyang ipinakita. Mul aumaga hanggang gabi ay walang tigil ang kainan at inuman, na daig pa ang mayroong ikinasal ng engrande. Wala ring tigil ang datig ng mga bisita, kaya nakatambak ang basurang pinagkainan sa likod-bahay. Sana lang, hakutin agad para hindi bumaho.
Tulad ng alam natin sa mga fiesta sa probinsya, may group singing, banda musico, mha majorettes, mga nagsasayawang bisita at masayang kwentuhan. Ipinakikita nito ang pagiging tunay na masayahin at palakaibigan ng mga Filipino.
Simula pa lamang ng pistahan sa mga nayon. Kung may panahon kayong mamasyal sa Batangas, mula May 1 hanggang May 31, araw-araw ay may barrio na nagseselebra ng fiesta. Kahit sino, welcome na makikain, kahit pa hindi kakilala. Onli in da Pilipins! JVN