NAGING matagumpay ang pagbubukas ng FiestArt exhibit ng Salingoy Art Group na alay para sa kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia sa SM City Naga Mall Atrium kamakailan sa Camarines Sur.
Naging panauhing pandangal si Naga Mayor Nelson Legacion at ang kabiyak nito.
Kabilang sa mga lumahok sa exhibit na pinangungunahan ng kilalang Bikolanong si Master Pancho Piano, ay sina Marcial Abay, Jr., Boyet Abrenica, Pipoy Ayen, Marc Borja, Jermel Alejandre at 18 iba pang magagaling na alagad ng sining at limang guest artists.
Magtatagal ang exhibit hanggang sa Setyembre 30.
Si Piano ay founding president ng Salingoy Art Group at founding president ng Bikol Expression Art Group.
Kalakip ng tagumpay ng pagbubukas ng exhibition ay ang pagiging sold out ng halos lahat ng kalahok na painting na ang tema ay tungkol sa Our Lady of Peñafrancia.
Dinumog ng mga bisita hindi lamang mula sa Kabikulan kundi mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang exhibition na isinabay sa kapistahan ng Mahal na Birhen Peñafrancia o Ina ng Peñafrancia.
Ang tagumpay rin ng exhibit ay sa partisipasyon din sa pag-organize ng masisipag na Salingoy Officers na sina VP Rommel Perez, Melissa Basmayor, Dar Encinas, Hermel Alejandre, Nitz Pinera, Gemma Padilla at iba pang mga kasapi.
Comments are closed.