FIFA WORLD CUP QUALIFIERS: PH VS IRAQ

The Philippine national men’s football team against Iraq in the FIFA World Cup Qualifiers.
Photo: PFF/PMNT

Group F Standings: Iraq 9 pts. (+11 GD), Indonesia 4 (-3), Vietnam 3 (0), Philippines 1 (-3)

Laro ngayon:
(Rizal Memorial Stadium)

7 p.m. – Philippines vs Iraq

UMAASA ang Pilipinas na magiging maganda ang kanilang performance sa home laban sa powerhouse Iraq sa joint FIFA World Cup at AFC Asian Cup qualifiers ngayon sa Rizal Memorial Stadium.

Ang mga Pinoy ay nananatiling underdogs sa kanilang 7 p.m. match sa The Lions of Mesopotamia, na target ang outright passage sa third round.

Ang pagkatalo ay hindi magiging katapusan para sa Pilipinas, subalit mahihirapan ito dahil ang kanilang huling dalawang Group F matches sa Hunyo ay sa road laban sa regional rivals Vietnam at Indonesia.

Ang Pilipinas ay kulelat sa standings na may isang puntos sa likod ng apat ng  Indonesia at tatlo ng Vietnam.

Ang Iraq ay matatag sa 9 points.  Ang  top two teams sa grupo ang aabante sa  third round.