FIGHTING MAROONS PINAHIGPIT ANG KAPIT SA LIDERATO

Standings W L
UP 7 1
Ateneo 5 2
NU 5 3
AdU 3 4
DLSU 3 4
UE 3 5
FEU 3 5
UST 1 6

Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. – UST vs UE (Men)
1 p.m. – UP vs AdU (Men)
4:30 p.m. – FEU vs DLSU (Men)
6:30 p.m. – NU vs Ateneo (Men)

NAIGANTI ng defending champion University of the Philippines ang nag-iisa nitong talo sa UAAP men’s basketball tournament sa 75-63 panalo kontra National University kagabi sa Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Cyril Gonzales ang 13-0 finishing run ng Fighting Maroons sa huling 4:33 upang itarak ang kanilang ika-7 panalo sa walong laro at patatagin ang kapit sa liderato, habang ipinalasap sa Bulldogs ang ikalawang sunod na kabiguan.

Nauna rito ay ipinagpatuloy ng Far Eastern University ang kanilang pagbangon mula sa 0-5 simula, napantayan ang season-best three-game winning run ng UP sa 75-68 pagdispatsa sa University of the East.

Umiskor ng kabuuang 9 points sa unang anim na laro, naitala ni Gonzales, nasa reserve list ng Fighting Maroons noong nakaraang season, ang 12 sa kanyang15 points sa payoff period.

Tumapos si Zavier Lucero, isinalpak ang dalawang buzzer-beaters sa first half, na may 16 points, 5 assists at 2 steals, habang nagdagdag si James Spencer ng 11 points, kabilang ang go-ahead basket na nagbigay sa UP ng 64-63 bentahe sa 3:47 mark, at 4 assists.

“We sustained our defense in the end. And in our last four possessions, nakapag-execute kami ng mabuti sa offense,” wika ni Fighting Maroons coach Goldwin Monteverde.

Natalo ang Bulldogs ng dalawang sunod upang mahulog sa third place sa 5-3. Sa pagkatalo ng NU ay kinuha ng walang larong Ateneo (5-2) ang solo second.

Nanguna si Mike Malonzo para sa Bulldogs na may 12 points at 6 rebounds habang nagdagdag si Steve Nash Enriquez ng 11 points, 2 assists at 2 steals.

Naitala ng Tamaraws ang season-low nine turnovers, tatlo ay nagmula sa second half.

“I’m hoping we can do that on La Salle also,” sabi ni FEU coach Olsen Racela, kung saan makakaharap ng Tamaraws ang La Salle Green Archers sa Miyerkoles sa larong posibleng magdetermina sa kanilang kapalaran sa Final Four.

“Kasi sila, they really force turnovers. I’m proud of what we did, especially with taking care of the basketball and sharing the basketball. 16 assists and nine turnovers, not bad.”

Iskor:
Unang laro:
FEU (75) — Torres 22, Gonzales 14, Tchuente 13, Sajonia 6, Añonuevo 5, Sleat 4, Bautista 4, Bagunu 3, Tempra 2, Celzo 2, Alforque 0, Sandagon 0.
UE (68) — N. Paranada 21, Stevens 13, Villegas 13, Payawal 9, K. Paranada 6, Sawat 4, Pagsanjan 2, Remogat 0, Alcantara 0, Guevarra 0, Antiporda 0, Beltran 0.
QS: 8-23, 34-42, 55-51, 75-68

Ikalawang laro:
UP (75) — Lucero 16, Gonzales 15, Spencer 11, Tamayo 8, Galinato 8, Diouf 5, Cagulangan 4, Abadiano 4, Fortea 3, Alarcon 1, Calimag 0, Ramos 0, Lina 0.
NU (63) — Malonzo 12, Enriquez 11, Yu 9, John 8, Baclaan 7, MAnansala 4, Galinato 3, Palacielo 3, Figueroa 2, Clemente 2, Minerva 2, Mahinay 0, Tibayan 0.
QS: 21-22, 37-40, 54-52, 75-63.