FIGHTING MAROONS SOLO 2ND SA V-LEAGUE

Mga laro sa Linggo:
(Paco Arena)
10 a.m. – UST vs
Benilde (Women)
12 p.m. – Letran vs
FEU (Women)
3 p.m. – DLSU vs
FEU (Men)
5 p.m. – NU vs
Ateneo (Men)

WINALIS ng University of the Philippines ang University of the East, 25-15, 25-16, 25-22, upang kunin ang solo second sa V-League Collegiate Challenge kahapon sa Paco Arena yesterday.

Humataw si rookie Kianne Olango ng 3 blocks para sa 14-point outing habang nakalikom si team captain Nica Celis ng match-best 4 blocks para sa 11-point effort para sa Fighting Maroons.

Umangat ang UP sa 3-2 record, kumalas sa three-way tie sa Far Eastern University at College of Saint Benilde.

Ang panalo ay magandang pabaon sa Fighting Maroons bago ang kanilang three-week break. Ang susunod na laro ng UP ay kontra University of Santo Tomas sa Sept. 11.

“We’re still looking for that cohesiveness, 70 percent ng team namin ay rookies, so we have to maximize the strength and find that strength pa,” sabi ni Fighting Maroons coach Oliver Almadro.

“Hindi pa ito ‘yung 100 percent namin ‘eh, mga nasa 50 percent or 40 percent pa lang. But ang important is ay the players know their role. They know their role, they start knowing their role, so that in the future games, they will be having that much needed confidence,” dagdag pa niya.

Nagtala si Irah Jaboneta ng 9 points at 11 digs, umiskor din si Kass Doering ng 9 points, kabilang ang 2 service aces, habang nag-ambag si Yesha Noceja ng 8 points at 7 digs para sa UP.

Nahulog ang Lady Warriors sa 1-2.

Nanguna si Khy Cepada para sa UE na may 10 points at 4 receptions, habang nagdagdag si Jenalyn Umayam ng 9 points, kabilang ang 2 blocks.

Sisikapin ng Lady Warriors, na hindi pa rin kasama sina aces Casiey Dongallo at Jelai Gajero, na makabawi sa kanilang susunod na laro kontra Lady Tamaraws sa Aug. 25.

Sa men’s division, umiskor si Jelord Talisayan ng 13 points, kabilang ang 2 service aces, 8 receptions at 4 digs, nang walisin ng FEU ang shorthanded NU, 25-18, 25-18, 25-23, upang makabawi sa pagkatalo sa University of Perpetual Help System Dalta.

Umangat ang Tamaraws sa 3-1, habang nalaglag ang Bulldogs, naglaro na wala sina Alas players Buds Buddin, Choi Diao, Peng Taguibolos, Leo Ordiales at Jade Disquitado, sa 2-2