FIGURE SKATER ALEKSANDR KOROVIN ISA NANG FILIPINO CITIZEN

ISA na ngayong Filipino citizen si figure skater Aleksandr Korovin.

Nilagdaan ni Presidente Ferdinand Marcos, Jr. ang Republic Act No. 12115 na nagkakaloob ng Philippine citizenship kay Korovin, ayon sa dokumentong nalathala sa Official Gazette noong nakaraang December 21.

Noong nakaraang December 3 ay inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2461 na nagtulak sa naturalization ni Korovin.

Kinakatawan ng 30-anyos na si Korovin, ipinanganak sa Russia, ang Pilipinas magmula noong 2021, kasama si figure skating partner Isabella Gamez.

Sinabi ni Philippine Skating Union (PHSU) president Nikki Cheng na ang pag-apruba sa naturalization ni Korovin ay titiyak sa eligibility nina Korovin at Gamez para sa Asian Winter Games sa February 2025.

“We firmly believe that this talented duo has the potential to bring home the Philippines’ first-ever medal in the Asian Winter Games,” aniya.