DUMATING kamakailan sa Filipinas ang Fil-Am American Idol finalist na si Jessica Sanchez para sa ilang shows at para trabahuhin ang kanyang Filipino citizenship, na kanyang ikinuwento sa isang ek-sklusibong panayam sa Winford Manila Resort & Casino kung saan siya nakatira nang isang linggo.
Nang umabot siya sa final round ng American Idol pitong taon na ang nakararaan, lahat ng mga Pinoy sa buong mundo na mahilig sa musika ay nagbunyi—pero hindi nasorpresa. Likas sa mga Pinoy ang hilig sa pagkanta at hindi taliwas kay Sanchez.
Isinilang sa California, dalawang taong gulang pa lamang si Jessica nang mapansin ng kanyang mga magulang ang kanyang talent sa pag-awit. Nang siya ay tumuntong sa edad na 10, nagtanghal siya sa iba’t ibang shows, at doon nagningning sa kanyang pagsali sa 2012 season ng American Idol.
Mula noon, nakapag-release si Sanchez ng isang album at tatlong EPs, at nakipagkolaborasyon sa Grammy-award winning artist na si Ne-Yo. Ang kanilang single na “Tonight”, ay kasalukuyang may 18 million views sa YouTube. Noong 2016, bumalik si Sanchez sa entablado ng American Idol stage, hindi bilang kalahok, kundi para mag-perform ng kanyang sikat na rendisyon ng awitin ni Celine Dion na “The Prayer”, na tinawag ng netizens sa “show-stealer”.
Noong taon ding iyon, ang sikat na Italian tenor na si Andrea Bocelli ang mismong pumili kay Sanchez para isali siya sa dalawa niyang shows sa kanyang World Tour, isang karangalan na maituturing niyang isa sa mga pangunahing highlights ng kanyang career.
Mula noong 2018, pabalik-balik si Sanchez sa Maynila para sa shows at habang tinatrabaho niya ang kanyang Filipino citizenship at sabay na ang pahinga sa kanyang mahigpit na skedyul.
“I travel worldwide to work with many different artists and musicians while building myself as a brand,” bahagi ni Sanchez bago siya bumalik sa U.S.
“I ended up getting sick from all the traveling so I spent the first week of the New Year ordering lots of room service, shopping at the mall across the road, and enjoying the live music by the roof deck pool at Winford.”
May 2 million followers sa Facebook, malaki itong mga tagasubaybay para sa isang tahimik na es-tudyante.
“I was bullied in school to a certain extent,” ani Sanchez. “I was a very quiet and shy person and for that reason I was made fun of.”
Kaysa pumatol sa teenage bullies, ibinaling niya ang kanyang creative juices sa paggawa ng musika, na inspired ng isa sa mga magagaling na boses ng 20th century.
“If I had the chance to meet any famous person, it would have been Whitney Houston. The one ques-tion I would ask her is, “how did you maintain your voice?”