FIL-AM KIDNAP VICTIM NAILIGTAS NG PHIL ARMY

Kidnap for ransom

ZAMBOANGA DEL NORTE-NAILIGTAS ng mga tauhan ng 42nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang dinukot na Filipino American  kidnap victim matapos na makasagupa ang isang  grupo ng Abu Sayyaf Kidnap for Ransom Group sa Brgy Pisa Itom, Sirawai sa nasabing  lalawigan kahapon ng umaga.

Kinilala ang kidnap victim na si Rex Triplitt na dinukot ng mga armadong kalalakihan na kasapi ng Abu Sayyaf Group  sa Zamboanga del Norte noong Setyembre 16.

Ayon kay Wesmincom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., na-rescue si Triplitt dakong alas-10:30 ng umaga sa may Sitio Banalan, Barangay Pisa Itom sa Sirawai habang nagsasagawa ng combat operations ang mga tauhan ng Philippine Army  nang masabat ang limang armadong kalalakihan na mga miyembro ng Sulu based Daesh Inspired Abu Sayyaf group sa pamumuno ni Injam Yadah na may hawak sa kidnap victim.

Habang nasa kasagsagan ng sagupaan,nagkaroon umano ng pagkakataon si Triplitt na magtago  at nakahingi ng tulong sa mga residente.

Ayon kay Vinluan dahil sa intensified intelligence monitoring at suporta ng komunidad kaya mabilis na na-rescue ng militar ang kidnap victim. Nagawa umanong mapigilan ng militar na maitawid sa kabilang island provinces ng Basilan o Sulu ang biktima kaya hindi nila ito naitago ng husto. VERLIN RUIZ

Comments are closed.