ISA sa mga medal prospect sa Southeast Asian Games si Natalie Uy at optimistiko si PATAFA president Philip E. Juico na magagawa ito ng 24-anyos na Filipino-American pole vault specialist sa una niyang pagsabak sa 30th edition, 11-nation biennial meet na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“Looking at her first appearance in the National Open where she made new national record, it is pretty obvious she will win her pet event,” sabi ni Juico sa panayam sa kanya.
Naniniwala si Juico sa kakayahan ni Uy matapos na talunin ang horizontal bar sa taas na 4.12 meters at binura ang dating marka na 4.11 meters na hawak ni Deborah Samson sa Invitational tournament sa Carrirtos, USA noong 2008.
Ganoon din ang paniniwala ng kanyang personal coach na si Fil-Am at dating national record holder Edward Lasquete na nag-sabi na malaki ang tsansan ng Pinay na ipinanganak sa Ohio na manalo sa SEA Games makaraang magtala ng bagong national record sa pole vault.
Ang personal best ni Uy ay 4.30 meters, na ginawa ni Sukanya Chomchuendee ng Thailand noong 2017 edition sa Malaysia. CLYDE MARIANO
Comments are closed.