FIL-AM POLE VAULTER SIGURADO NA SA GINTO SA SEA GAMES

Natalie Uy

KUNG pagbabatayan ang kanyang personal best na 4.30 meters sa pole vault, sigurado na ang panalo ni Natalie Uy sa una niyang pagsabak sa Southeast Asian Games, kasama ang walong kapwa Filipino-Americans, sa pangu­nguna ni Brazil Olympian at London World Athletics veteran Eric Shawn Cray.

“Her personal best is good for the gold,” sabi ni dating SEA Games pole vault medalist Emerson Obiena kung saan ang kanyang anak na si Tokyo Olympic-bound at reigning SEA Games at Asian Games champion Ernest John Obiena ay makikkipag-alyansa sa 24-anyos na si Uy.

“Because of her natural talent in pole vault, I am pretty optimistic she will do it in her first appearance in the SEA Games,” wika ni Obiena.

Kumpiyansa si Obiena na makukuha ng Filipinas ang ginto sa men’s at women’s  division dahil malakas sina Uy at Obiena.

“Most likely we will win the gold in pole vault in both men and women. If this happens, this will be the first time the Philippines won the gold in pole vault in men’s and women’s divisions in the SEA Games.”

Kung si Obiena ay naniniwala sa kakayahan ni Uy, ganoon din si athletics president Philip E. Juico.

“Looking at her record, there’s no doubt and it’s pretty obvious she will do it in her debut at the SEA Games,” wika ng dating Philippine Sports Commission chairman at vice president ng Asian Athletics Association.

Ang 4.30 meters ni Uy ay bagong Philippine record sa pole vault kung saan binura niya ang dating marka na 4.11 meters na ginawa ni Deborah Samson sa torneo na ginawa sa Carritos, California noong 2008 at pinantayan ang 4.30 meters record ni Sukanya Chomchuendee ng Thailand sa nakaraang SEA Games sa Malaysia.

Bukod kina Uy at Cray, ang iba pang Fil-Amsay sina Alyana Nicolas, Carter Lily, William Morrison, Kristina Knott at Richardson twin sisters, Kayla Anise at Kyala Ashley.

Ito ang ikatlong SEA Games ni Cray mula noong 2015 sa Singapore kung saan nanalo siya sa 100m at 200m.

Ang pinakamagandang showing ng athletics ay noong 1991 nang humakot  ito ng 8-6-6.

Comments are closed.