FIL-CANADIAN FERNANDEZ PASOK SA US OPEN FINALS

UMUSAD si Fil-Canadian Leylah Fernandez sa kanyang unang Grand Slam final nang pataubin si world No. 2 Aryna Sabalenka ng Belarus sa US Open semifinals.

Sinibak ng 19-anyos na si Fernandez si Wimbledon semifinalist Sabalenka, 7-6 (7/3), 4-6, 6-4, at maaaring ku-nin ang kanyang unang Slam title sa Sabado sa Arthur Ashe Stadium.

“I don’t know how I got that last point in but I’m glad it was and I’m glad I’m in the finals,” wika ni Fernandez.

Makakasagupa ng unseeded na si Fernandez para sa korona si British 18-year-old Emma Raducanu.

Si Raducanu ay naging unang qualifier na nakarating sa isang Grand Slam final nang gapiin si Greek 17th seed Maria Sakkari, 6-1, 6-4.

Ang  ranked 150th na si Raducanu ay naging pinakabatang Grand Slam finalist magmula nang magwagi si 17-year-old Maria Sharapova sa Wimbledon noong 2004.

Si Sabalenka ay ikatlong top-five victim ni Fernandez, ranked 73rd, sa Open, kung saan una nitong sinibak sina  defending champion Naomi Osaka at fifth-seeded Elina Svitolina.

6 thoughts on “FIL-CANADIAN FERNANDEZ PASOK SA US OPEN FINALS”

  1. 250615 345425Hi my loved 1! I wish to say that this post is incredible, wonderful written and come with almost all critical infos. I would like to see a lot more posts like this . 964161

Comments are closed.