Nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat ang malaking grupo ng mga Filipino Chinese sa Pilipinas sa kilalang mang-aawit at respetadong negosyante na si Jose Mari L. Chan para sa kanyang walang sawang suporta sa iba’t ibang socio-civic charitable endeavors ng samahan ng mga mangangalakal.
Sa pangunguna ni Dr. Cecilio K. Pedro, Pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), ang mga kontribusyon ni Jose Mari Chan kamakailan sa isang pagtitipon kung saan binigyang-diin ng malawak na network ng samahan na binubuo ng 170 Filipino Chinese chambers at iba’t ibang organisasyon sa industriya mula Aparri hanggang Tawi-Tawi ang naging ambag ng singer businessman.
Ang FFCCCII ay may adbokasiya sa pagsusulong sa ekonomiya, sa pagtulong sa panahon ng kalamidad, libreng medical missions, at suporta sa mga pampublikong paaralan sa kanayunan, gayundin ang pagbibigay ng tulong sa mga Filipino Chinese volunteer fire brigades na tumutulong sa mga biktima ng sunog at kalamidad anuman ang etniko o panlipunang kalagayan.
Bilang tugon sa nagdaang anim na mapaminsalang bagyo kamakailan, pinangunahan ng FFCCCII ang Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation upang agad na maghatid ng pang-emergency na pagkain sa rehiyon ng Bicol na lubhang naapektuhan, maging sa mga lugar na binaha sa Metro Manila, at iba png mga lalawigan.
Muling ipinahayag nina Jose Mari Chan at Pedro ang pangako ng Filipino Chinese business communities na tulungan ang mga kapwa Pilipino na apektado ng mga sakuna at pagyamanin ang mga salat na komunidad sa buong bansa.
VERLIN RUIZ