DAAN-DAANG pakete ng rice meals, instant noodles, milk tea ang bigas ang ipinagkaloob ng mga negosyanteng Chinese sa mga frontliner sa Cavite Expressway hanggang sa lungsod ng Imus sa lalawigan ng Cavite kahapon.
Pinangunahan ng may-ari ng Gold Rich Trading na si Ramon Uy at Sally Shi, may-ari ng Patagonia Foods, ang pamamahagi ng kanilang mga produkto sa mga pulis, sundalo at mga traffic enforcers na nasa frontline.
Si Shi ang nakadiskubre ng kauna-unahang instant rice meal sa Filipinas na ginagamitan ng heating pad sa ilalim. Tanging malamig na tubig lamang ang kailangan para rito.
Sinimulan ang pamamahagi ng karton-kartong produkto sa Cavitex hanggang sa Imus City kung saan sinubukan din ni Mayor Emmanuel Maliksi ang instant rice meal.
Naghatid din ang mga negosyante ng sako sakong bigas at mga produkto sa pamahalaang lungsod ng Paranaque at maging sa pamahalaang lungsod ng Manila.
Ayon kay Ms Shi, ginagawa nila ito upang makatulong sa mga frontliner na matiyagang nagbabantay para sa mamamayan upang hindi na kumalat ang COVID-19. “Ginagawa natin ito upang sila ay mabusog, maging malusog at masaya,” dag-dag pa ng batambatang negosyante.
Comments are closed.