NAKASALALAY kina Kiyomi Watanabe at Mariya Takahashi ang kampanya ng Filipinas sa judo sa nalalapit na Asian Games sa Indonesia.
Umaasa si judo president Dave Carter na makapag-uuwi ang dalawa ng karangalan sa una nilang pagsabak matapos ang matagumpay na kampanya sa 29th 2017 Southeast Asian Games sa Malaysia.
“They are our top bets and I hope they would live up to expectations and make the country proud,” sabi ni Carter.
Ayon kay Carter, may kakayahang manalo sina Watanabe at Takahashi tulad ng ipinakita nila sa nakaraang SEA Games kung saan dinomina nila ang kanilang division.
Aniya, regular niyang mino-monitor ang training nina Watanabe at Takahashi at kumukuha ng updates sa kanilang Japanese coaches.
“I regularly monitor their training and get feedbacks from their Japanese coaches regarding the progress of their preparations,” pahayag ni Carter.
Hindi pa nananalo ang judo sa Asian Games at determinado ang dalawang anak ng Pinay na makasungkit ng medalya sa quadrennial meet at putulin ang mahabang tagtuyot.
“Hopefully, Watanabe and Takahashi end judo’s long draught in the Asian Games,” sambit ni Carter.
Hindi sumali sina Watanabe at Takahashi sa nakaraang Asian Games sa Incheon, South Korea dahil bata at kulang pa sila sa karanasan.
“They’re now fully developed, matured and ripe for bigger international competitions like the Asian Games,” ani Carter.
Sasabak si Watanabe sa 63 kg. habang si Takahashi ay sa 70 kg. CLYDE MARIANO
Comments are closed.